I Was A Teenage Tree

Teeth I Was A Teenage Tree Lyrics
1.Hyperkinesis

Hoy! Easy ka lang, easy ka lang
Meron pa akong nakahanda para sa inyo
Dahil ikaw, gumagalaw
At patas-patas ang laro
Kaya ngayon ay sasabay at lalakbay
Nang tumuloy sa pag-arangkada

Makinig, ihahatid
Bagong tunog, aming ibibigay sa inyo

Itutuloy namin ito, sana ay masakyan ng tenga mo
Paminsan-minsan lang naman,
Pare, hyperkinesis sa laban

Hoy! eto sa iyo, hindi bitin
At sulit ang pagod na nilalabas
Kaya ngayon, bibilisan at papasada na kami
Kaya sino ang sasabay sa paglakbay
Kayo'y sumakay, wag magpaiwan

Sasapak pa rin kahit anong sabihin


2.Darating

Minsan lang mangyayari sa atin ito
'Di naman sinasadya, pero parang tayo
Ewan ko nga kung bakit nagkaganito
Basta't sa iyo payag ako kahit ano

Kahit minsan lang darating
Mawawala pa ba ang minsan

Parang ayaw ko na kitang mawala
Minsan lang darating
Mawawala pa ba ang minsan

Wala na akong ibang mahihiling pa sa iyo
Basta't tama na sa akin ang sinabi mo
Nung minsan ay hinihintay sa iyo
Sabihin ang nararamdamam
Masarap pakinggan, mahal mo rin ako

Kahit minsan lang darating
Mauulit pa ba ang minsan na sinabi
Sana marinig ko muli ang minsan


3.BMX

Parang lumilipad, parating pasugod.
Sumasalubong sa hangin,
Humahampas sa 'king mukha.
Hindi humihinto, walang nililingon
Hanggang hindi ko pa nararating
Sobrang bilis, sobrang tulin

Minsan nagwawala, laging nawawala.
Sayang dahil hindi mababalik
Ang pagkabatang hinahanap
Naamoy ko na, gustong paliparin
Sakay, angkas
Ipepedal ko na ang mahiwagang BMX

Sige! Padyak!
Sige! Andar!
Sige! Sige!

Medyo pinapaltos, medyo kinakapos.
Mainit na hithit-buga,
Kinakalawang ang luma.
Nung bata kahit ano nagagawa